DUBAI (Reuters) – Tinapos na ng United Arab Emirates (UAE) ang military training programme nito para sa Somalia, matapos samsamin ng Somali security forces ang milyong dolyar at kuhanin ang eroplanong pag-aari ng UAE noong nakaraang linggo.
Daan-daang sundalo na ang sinanay ng UAE simula pa noong 2014 bilang bahagi ng programa ng African Union military mission para masolusyonan ang Islamic insurgency at mapanatili ang seguridad ng bansa.
Inanunsyo rin ng gobyerno ng Somalia ang pagtatapos ng military program, kasabay ng balitang si Mogadishu na ang magpopondo para sa pagsasanay ng mga sundalo.
“The UAE has decided to disband its military training programme in Somalia which started in 2014 to build the capabilities of the Somali army,” ayon sa pahayag ng UAE’s state news agency WAM.
Nitong Abril 8, nakuha sa eroplano ng UAE ang 9.6 milyong dolyar.
Sinabi naman ng UAE na ang perang nakuha ay para sa sahod ng mga sundalong Somali bilang bahagi ng kasunduan ng dalawang bansa.