NASIKWAT ni US based Pinoy National Master (NM) Oscar Tan ang kampeonato ng 12th annual Philadelphia Open Chess Championship Under 2200 section na ginanap sa Philadelphia Marriott Downtown sa Philadelphia, Pennsylvania, United States nitong Marso 29 hanggang Abril 1, 2018.

Nakakolekta ang New Jersey-based na si Tan ng 6.5 puntos mula sa anim na panalo at isang tabla para maghari sa seven-round tournament. Tinangap niya ang top purse US $4,777.

Nairehistro ni Tan ang panalo kontra kina Cesar Tortolero sa first round, Shane Jayasundera sa second round, Mark De Dona sa third round, Anthony Wong sa fourth round, Shapiro-Erciyas sa fifth round at Yassamin Leili Ehsani sa sixth round. Nakihati siya ng puntos kay Jason Liang sa seventh at final round.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest