Ni Christina I. Hermoso
Hindi na makukumpuni pa kaya kakailanganin nang gibain ang 84-anyos na St. Mary’s Cathedral sa Marawi City, Lanao del Sur.
Binisita kamakailan ni Marawi Bishop Edwin dela Peña ang katedral na nawasak sa limang-buwang bakbakan sa siyudad, para sana magdaos ng misa, kasama ang ilan pang pari at mga obispo, subalit pinagbawalan siya ng militar para na rin sa kanyang seguridad.
Itinayo noong 1934 at alay sa Mary Help of Christians, ang katedral ay matatagpuan sa loob ng ground zero ng bakbakan ng tropa ng gobyerno at ng Maute-ISIS.
Sinabi ni Dela Peña na isang simpleng simbahan ang itatayo nila sa lugar kapalit ng katedral.