Ni Marivic Awitan

KASABAY ng pagtatapos ng kanilang kampanya sa UAAP Season 80 volleyball tournament, bibitawan na rin n Rod Roque ang pagiging interim coach ng University of the East women’s volleyball team.

Babalik si Roque bilang Athletic director matapos na i-appoint ang papalit sa kanya bilang head coach ng Lady Warriors na si Ray Karl Dimaculangan..

Ayon kay Roque, pormal niyang itinaas buhat sa pagiging assistant coach si Dimaculangan na dati ring manlalaro at setter ng University of Santo Tomas.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Magsisilbi na lamang umano siyang consultant ng koponan simula sa darating na UAAP Season 81.

Inamin ni Roque na ayaw sana ng management na bitawan niya ang kanilang women’s volleyball team. Ngunit nakumbinsi niya rin ang mga itong mag-appoint ng bagong mentor.

“Ayaw ng management bitawan ko women’s, actually they wanted me to be the coach na permanent, sabi ko, I will think about it first, I’ll recommend a coach muna then I’ll act as consultant,” aniya.

Dating MVP ng liga noong UAAP Season 71 si Dimaculangan na kapatid ni dating women’s national team setter Rhea Dimaculangan at miyembro ng 4-peat champion Tigers squad noong 2007 - 2011.

Babalikan na rin ni Roque ang kanyang pagiging UE representative sa UAAP Board na kanyang binitawan upang palitan ang dating coach na si Francis Vicente na nagbitiw pagkaraan ng unang limang laro ngayong season.