MOSCOW/DAMASCUS (Reuters) - Nagbabala si Russian President Vladimir Putin nitong linggo na maaaring magdulot ng kaguluhan sa mundo kung magpapatuloy ang mga pag-atake sa Syria.
Sa pahayag ng Kremlin, sinabi nito na nagkasundo sina Putin at ng Iranian counterpart nito na si Hassan Rouhani na ang ginawang pag-atake ng United States, United Kingdom at France, ay sumira sa pagkakataon na matapos ang pitong taong digmaan sa Syria.
“Vladimir Putin, in particular, stressed that if such actions committed in violation of the U.N. Charter continue, then it will inevitably lead to chaos in international relations,” sabi ng Kremlin.
Inanunsyo naman ni U.S. ambassador to the United Nations, Nikki Haley sa programang “Face the Nation,” na maglalabas ang US ng bagong economic sactions para sa mga kumpanya “that were dealing with equipment” na may kaugnayan sa ginagamit na chemical weapons ni Syrian President Bashar al- Assad.
Noong Sabado, naglunsad ng 105 missiles attack ang US, France at Britain sa sinasabi ng Pentagon na chemical weapons facilities sa Damascus.