Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Durerte na gumagawa ng mga hakbang ang gobyerno para mawakasan ang pang-aabuso sa overseas Filipino workers (OFWs) sa mga bansa sa Middle East.

Ito ang tiniyak ni Duterte nang magkita sila ni Pahima Alagasi, ang Pinay na binuhusan ng kumukulong tubig ng kanyang amo sa Riyadh, Saudi Arabia noong 2014. Dumating si Alagasi sa Pilipinas nitong Biyernes.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakasaad sa pahayag ng Palasyo na sinabi ni Duterte, sa kanilang pagpupulong nitong Sabado na handa siyang gawin ang lahat para matulungan ang OFWs sa Middle East.

Pinaalalahanan din niya ang OFWs na maging maingat dahil iba ang kultura at batas sa ibang bansa.

Sinabi rin ng Pangulo na mahalaga na mapanatili ang magandang relasyon sa mga bansa sa Middle East dahil mahalaga ang rehiyon para sa nasyon.

Ayon kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, natuwa si Pangulong Duterte sa tagumpay ng kaso ni Alagasi. “Natutuwa po kami, lalong lalo na si Presidente Duterte, at natulungan ng Gobyerno si Pahima at naiuwi natin siya dito sa bansa at sa pamilya nya,” ani Go.

“Patuloy po nating tutulungan ang mga kababayan nating OFWs, in any way we can assist them, be it a legal matter or be it labor and employer-related,” dugtong niya.

“Like we have always been saying, the gates of Malacañang are always open and the ears of government officials will always listen to whatever problems our fellow Filipinos are experiencing,” he continued.

Nagpasalamat naman si Alagassi sa gobyerno ng Pilipinas at kay Prince Nayef bin Abdulaziz Al Saud sa pagtulong sa kanyang kaso.

Samantala, inihayag ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na tatanggap ang dalawang anak ni Alagasi ng scholarships hanggang sa kolehiyo. Nagkaloob din ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng P50,000 bilang cash assistance.