Ni Mary Ann Santiago

Inilunsad kahapon ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang personalized multi-sport special stamps kasabay ng pagbubukas ng Palarong Pambansa, kung saan makikibahagi ang mga estudyanteng atleta mula sa mahigit 17 rehiyon sa bansa.

Ang Palarong Pambansa ang pinakamalaking sports gathering na gaganapin sa “heritage town” ng Vigan sa Ilocos Sur sa Abril 15-21, at inorganisa ng Department of Education (DepEd).

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ayon kay Postmaster General Joel Otarra, nag-imprenta ang Stamp Committee ng 1,000 limitadong kopya ng apat na generic sheets na mayrooong P17 stamps at apat na labels—na idinisenyo ni Eunice Beatrix Dabu—tampok ang iba’t ibang sporting events, na mabibili ng P150 bawat sheet.

Mayroon din aniyang 4,000 personalized sheets na may apat na P17 stamps at sports labels na nagkakahalaga ng P150 kada sheet.

Ang Palarong Pambansa stamps ay mabibili sa Post Shop sa Central Post Office, Door 203, sa Liwasang Bonifacio, Maynila, at mga area post office sa bansa.