Banana Sundae, ASAP, and JoshLia copy

Damang -dama ang init ng pagmamahal sa pinakabagong ABS-CBN summer station ID ng ABS-CBN tampok ang halos 200 Kapamilya artists na nagpakita kung paano maaaring magbahagi ng pagmamahal, pagkalinga, at paglilingkod sa kapwa sa iba’t ibang paraan araw-araw.

May temang “Just Love Araw-Araw” ang inilunsad na station ID sa It’s Showtime nitong Sabado (Abril 14), kung saan bumida ang hosts ng noontime show na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Billy Crawford, Karylle, Vhong Navarro, Amy Perez, at Jugs at Teddy at nagbigay ng saya at nakipagsayawan sa mga residente ng Scout Bayoran sa Quezon City.

Buong araw naman ang inilaan sina Sharon Cuneta, Angelica Panganiban, Joshua Garcia, Julia Barretto, at ang iba pang cast ng Banana Sundae, ASAP, at upcoming teleseryes na Araw Gabi at Since I Found You para makasama sa iba’t ibang rides at salo-salo ang mga batang iskolar ng DZMM at ang mga magulang nila sa Enchanted Kingdom.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Para ipakita ang pagmamahal sa komunidad at kahalagahan ng pagtutulungan, sumama sa pagtatanim ng palay si Piolo Pascual sa mga magsasaka ng Philippine Rice Research Institute sa Muñoz, Nueva Ecija, habang dinayo naman ng The Blood Sisters stars na sina Erich Gonzales, Enchong Dee, at Ejay Falcon ang StoBoSa Hillside Homes Artwork, kung saan sama-samang pinapanatili ng mga residente ang kagandahan ng naturang tourist spot sa Baguio.

Nagbahagi naman ng karunungan ang ABS-CBN chief content officer at MMK host na si Charo Santos-Concio sa ilang miyembro ng Girl Scouts of the Philippines, samantalang tinuruan naman ng cast ng FPJ’s Ang Probinsyano, sa pangunguna ni Coco Martin, ng pagbibisikleta ang mga bata mula Kamuning Bible Christian Fellowship.

Hinihikayat din ng ABS-CBN ang mga Pilipino na gumawa ng mga makabuluhang gawain ngayong summer upang magbigay ng liwanag sa buhay ng isa’t isa.

Mapapanood sa station ID ang iba-ibang ABS-CBN News journalists na sina Kabayan Noli de Castro, Korina Sanchez, Ted Failon, Bernadette Sembrano, at Cathy Yang, pati na sina Jing Castañeda na tumulong sa mga mga pasyente ng “Hospital on Wheels” ng Salamat Dok, at Julius Babao, Jeff Canoy, at Karen Davila na sumama sa gardening at recycling activities ng isang paaralan.

Idiniin nina Jericho Rosales at Sam Milby ang pagmamahal para sa kalikasan sa kanilang pagsama sa beach clean-up sa San Juan, La Union. Inakyat naman ni Angel Locsin ang tuktok ng Mt. Batolusong sa Tanay, Rizal upang ipakita ang ganda ng Pilipinas, habang binisita ni Luis Manzano ang Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite.

Tampok din sa makulay na station ID ang pinakasikat na love teams sa bansa na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Liza Soberano at Enrique Gil, Nadine Lustre at James Reid, Janella Salvador at Elmo Magalona, Elisse Joson at McCoy De Leon, at Maymay Entrata at Edward Barber na nagbigay ng kilig sa mga dinayo nilang lugar. Napanood din dito ang top Kapamilya stars na sina Kim Chiu, Toni Gonzaga, Maja Salvador, King of Talk Boy Abunda, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, at iba pa.

Buong summer ding mararamdaman ang pag-ibig dahil araw-araw simula Lunes (Abril 16), ilulunsad sa ABS-CBN Facebook page ang “love o’clock” tuwing tanghali na muling magtatampok ng mga kwentong magbibigay ng inspirasyon o mga paalala kung paano magpakita ng pagmamahal sa kapwa araw-araw.

Samantala, maaaring makakuha ng opisyal na “Just Love Araw-Araw” shirts sa ABS-CBN Store, www.abs-cbnstore.com, at iba pang authorized retail partners na The SM Store at 7 Eleven CLiQQ Shop. Makakabili rin nito ang mga Kapamilya sa North America sa TFC Store sa Daly City, California o mag-order online sa TFC Store sa Amazon.

Paulit-ulit na panoorin ang ABS-CBN 2018 “Just Love Araw-Araw” summer station ID sa ABS-CBN Entertainment Youtube channel. Mag-post tungkol sa video gamit ang hashtag na #justLoveArawAraw. Para sa updates, i-follow ang @abscbn o @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o @KapamilyaThankYou sa Instagram.