Ni Marivic Awitan

BALIK sa aktibong paglalaro ang dating PBA cager Dennis Miranda.

Sinubukang protektahan ni Dennis Miranda ng Talk N Txt ang bola laban kina Sean Anthony at Jonas Villanueva ng NLEX sa knock out game ng 2015 PBA Philippine Cup sa mall of Asia (Bob Dungo, Jr.)

Sinubukang protektahan ni Dennis Miranda ng Talk N Txt ang bola laban kina Sean Anthony at Jonas Villanueva ng NLEX sa knock out game ng 2015 PBA Philippine Cup sa mall of Asia (Bob Dungo, Jr.)

Nakatakdang lumaro si Miranda sa darating na semifinals ng 2018 PBA D League Aspirants Cup para sa koponan ng Marinerong Pilipino kung saan una siyang naging assistant coach ni Koy Banal.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Papalitan ng 35-anyos na si Miranda si Louie Brill batay sa memo na inilabas ng pamunuan ng liga.

Huling naglaro sa PBA si Miranda noong nakalipas na taon sa koponan ng Blackwater bago siya kinuha ng dati niyang coach sa Far Eastern University na si Banal para maging deputy sa Skippers.

Ngunit, noon pa lamang ay nilinaw na ni Banal na kung kinakailangan ay puwede nyang i-activate si Miranda.

“Anytime na kakailanganin namin ‘yung veteran leadership nila, anytime ready naman sila. Nakikipag-ensayo naman sila,” ayon kay Banal na tinutukoy si Miranda at ang dating manlalaro ng Skippers at dati rin nyang player sa FEU na si Mark Isip na isa na rin sa kanilang assistant coaches.