BARCELONA (AFP)- Nagmartsa ang halos 300,000 katao sa Barcelona bilang protesta sa pagkabilanggo ng siyam na Catalan separatist leaders dahil sa kasong rebelyon.
Isinigaw ng mga rayilista ang “Freedom for the political prisoners”, habang nagwawagayway ang kulay pula at dilaw na watawat ng Catalan.
Isinagawa ang protesta matapos ang anim na buwan na pakakapiit ng mga Catalan separatist leader dahil sa kaso ng maling paggamit ng pondo, sedisyon at rebelyon- nagdulot ng sentensya na 30 taong pagkakakulong.
Tinawag naman ni Spain Justice Minister Rafael Catalana na ‘insulto’ ang paggamit ng mga rayilista ng dilaw na laso at iginiit na walang political prisoner ang bansa at ang mga ito ay “politicians in prison”.