Ni Ni AARON B. RECUENCO

Nanawagan kahapon si National Capital Region Police Office (NCRPO) director, Chief Supt. Oscar Albayalde, sa publiko na isuplong kaagad sa kanyang tanggapan ang sinumang kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) na sangkot sa ilegal na droga.

COC FILING Pumila ang mga kandidato para magsumite ng kanilang Certificate of Candidacy sa tanggapan ng Commission on Elections sa Arroceros, Maynila, para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo 14. (ALI VICOY)

COC FILING Pumila ang mga kandidato para magsumite ng kanilang Certificate of Candidacy sa tanggapan ng Commission on Elections sa Arroceros, Maynila, para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo 14. (ALI VICOY)

Sinabi ng incoming chief ng Philippine National Police (PNP), na mahalaga ang pakikipagtulungan ng mga residente dahil sila ang mas nakakaalam kung sinu-sino sa kanilang lugar ang mga kakandidato na dawit sa droga.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“If they know someone who is running for any elective post in the barangay elections, then they should inform the law enforcement agencies or probably intelligence operatives whom they know so that we can validate it,” paniniyak ni Albayalde.

Layunin, aniya, nito na mapigilang makapuwesto o maging opisyal ng barangay ang sinumang sangkot sa droga.

Sa ngayon aniya, ay maliit na porsiyento na lang ng mga opisyal ng barangay sa Metro Manila ang sangkot sa droga, batay sa hawak na drug watch list ng pulisya.

“We have barangay captains, barangay councilors and even barangay tanod who are in the watch list. But our validation is continuous,” ani Albayalde.