Ni Mary Ann Santiago

Pinayuhan ng isang opisyal ng Department of Health (DoH) ang mga magulang na palakasin ang immune system ng kanilang mga anak na nabakunahan ng kontrobersiyal na Dengvaxia vaccine, upang tiyak na may panlaban ang mga ito laban sa sakit, partikular sa dengue.

Ito ang naging pahayag ni Dr. Eduardo Janairo, bagong regional director ng DoH-Region 4A, sa Dengvaxia forum na idinaos sa Imus, Cavite.

Aniya, hanggang hindi pa natatapos ng DoH ang imbestigasyon sa pagkamatay ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia, dapat lang na gumawa ng mga hakbangin ang mga magulang upang proteksiyunan ang kanilang mga anak, tulad ng pagpapalakas sa immune system ng mga ito.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

“While waiting for results, as parents, we have to do something to boost our children’s immune system by giving them immunity-boosting phytonutrients such as vitamin C, fruits and vegetables, including adequate sleep,” ani Janairo.

Sa datos ng DoH, mahigit 830,000 mag-aaral sa pampublikong paaralan ang nabigyan ng anti-dengue vaccine.

Samantala, plano ng kagawaran na magtalaga ng 150 nurse sa Central Luzon, Calabarzon, Metro Manila at Central Visayas upang tutukan ang kondisyon ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia.

K i n u m p i r m a n i DoH Undersecretary Rolando Enrique Domingo na aprubado ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagkakatalaga sa 150 nurse sa apat na rehiyon, na kabilang sa 500 nurse na ipakakalat sa bansa.