Ni REGGEE BONOAN

PAGPASOK ni Direk Tony Y. Reyes sa 9501 Restaurant sa ELJ Building kung saan ginanap ang mediacon ng Da One That Ghost Away ay naghahanap siya ng kakilalang taga-media dahil marahil ay bagong venue ito para sa kanya.

Direk Tony (gitna_paki crop po) copy

Sumakto naman na plano naming i-ambush interview si Direk Tony bago ang Q and A ng DOTGA. Binulungan namin ang direktor kung nag-ober da bakod na ba siya sa ABS-CBN at Star Cinema.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

“Matagal na akong nakakatawid dito, huling nagawa ko ‘yung Illegal Wife nina Pokwang at Zanjoe Marudo,” sey ni Direk Tony.

Sa Q and A proper ay muling natanong ang direktor kung for good na siya sa Star Cinema.

“Dati naman ako dito. I started with Star Cinema nung Hindi Pa Tapos ang Labada. I think that was in 1994. And then last movie na ginawa ko My Illegal Wife. Okay naman pinapayagan naman ako gumawa ng pelikula sa Star Cinema,” paliwanag niya.

Kay Vic Sotto raw nagpaalam ang komedyateng direktor at pinapayagan siya kapag walang movie project.

Natanong din si direk Tony kung ano ang masasabi niya kina Kim Chiu at Ryan Bang na first time niyang maidirek.

“Sobrang na-amaze ako kasi hindi ko alam na ganun sila kakuwela and ganun ka-open and everything. At saka maganda yung naging samahan namin from the storycon pa lang hanggang sa shooting hanggang ngayon. Super saya yung pagsasama even sa set. Kadalasan sumasabog na nga kami sa kakatawa eh. Super saya talaga,” aniya.

“Actually naging challenge pero nung nakasama ko nga sila, iba yung nakita kong rapport sa kanila eh. Kumbaga parang matagal na silang magkakasama. Kaya kung makikita niyo sa mga eksena talagang all out yung comedy, yung wackiness nila lahat. Walang pretensions. Go lang sila ng go, ganun. Kaya hindi mahirap i-handle,” dagdag pa niya.

Mapapanood na ang Da One That Ghost Away, sa Abril 18, mula sa Star Cinema.