Ni Bella Gamotea
Hindi kagandahang balita sa mga motorista: Asahan ang isa pang oil price hike ngayong linggo.
Sa taya ng Department of Energy (DOE), posibleng tumaas ng 80 hanggang 90 sentimos ang kada litro ng kerosene, 60-70 sentimos sa diesel, at 30-40 sentimos naman sa gasolina.
Ang nagbabadyang taas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Rollback ang ipinatupad nitong Abril 10, nang magtapyas ng 40 sentimos sa kada litro ng gasolina, at 30 sentimos sa diesel.