ISANG panalo na lamang ang kailangan ng Batangas upang tanghaling unang kampeon ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) matapos manaig sa Muntinglupa , 78-74, nitong Sabado sa Game 2 ng Anta-Rajah Cup finals sa Batangas City Coliseum.

Pinangunahan ni slotman Jaymo Eguilos ang nasabing panalo ng Tanduay Athletics-sponsored team sa itinala nitong 16 puntos kasunod si Bong Quinto na may siyam na puntos at siyam na rebounds gayundin sina Game 1 hero Teytey Teodoro, Val Acuna at Moncrief Rogado.

Kakailanganin ng Batangas na tuluyang walisin ang karibal sa Martes sa Muntinlupa Sports Complex para sa titulo.

Nagawa pang dumikit ng Muntinglupa Angels Resort,74-75, matapos ang isang triple ni Allan Mangahas may nalalabi pang 28 segundo sa laro.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Ngunit, sa tulong na din ng mga cheers ng kanilang hometown crowd, hindi bumitaw sa pangingibabaw ang Batangas sa pamamagitan ng pagbuslo ni Teodoro ng kanyang tatlong freethrows.

Samantala, nanguna naman sa Cagers si Chito Jaime na nagtala ng 18 puntos sa kabila ng iniindang sprain sa kanang paa kasunod sina Mangahas at Dave Moralde na kapwa umiskor ng 15 puntos.