ITINAAS ni International Master (IM) Angelo Young ang bandila ng Pilipinas matapos ang second-place finish sa GM/IM Norm Invitational Chess Tournament nitong Marso 28, 2018 hanggang Abril 4, 2018 na ginanap sa Charlotte Chess Center and Scholastic Academy sa Charlotte, North Carolina, USA.

Ang 1982 Philippine Junior champion ay nakihati ng puntos kay IM Felix Jose Ynojosa Aponte ng Venezuela sa ninth at final round tungo sa solo second place na may 5.5 puntos mula sa dalawang panalo at pitong tabla.

Tabla din ang laban ni Fide Master Christopher Yoo ng Estados Unidos kontra kay FM Gauri Shankar ng India tungo sa 6.0 na puntos at pag-uwi ng titulo. Gumawa ng kasaysayan sa Amerika si Yoo nang malagpasan niya ang 2200 barried sa edad na siyam sa 9th David Elliott Memorial noong Nobyembre 19, 2016 tungo sa pagkamit ng United States Chess Federation (USCF) master title.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL