OAKLAND, California (AP) — Pinatunayan ng Golden State Warriors ang kahandaan, sa kabila nang pagkawala ni All-Star guard Stephen Curry, nang pausukin ang opensa tungo sa 113-92 panalo kontra San Antonio Spurs nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa Game 1 ng kanilang best-of-seven Western Conference first round playoff.

Nagsalansan si Kevin Durant ng 24 puntos, walong rebounds at pitong assists, habang kumubra sina Draymond Green at Klay Thompson ng 21 at 27 ountos, ayon sa pagkakasunod.

Nag-ambag ang 7-footer na si JaVale McGee ng 15 puntos, apat na rebounds at dalawang blocked shots.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nanguna si Rudy Gay sa Spurs sa natipang 15 puntos mula sa benchm habang nalimitahan si LaMarcus Aldridge sa 14 puntos mula sa malayang 5-for-12 shooting.

Host pa rin ang Warriors sa Oracle Arena sa Game Two sa Lunes (Martes sa Manila).

“I noticed that Steph wasn’t there,”sambit ni Spurs coach Gregg Popovich. “I watched real closely. I turned it off for a while ... turned it back on and he still wasn’t there. I noticed that. But after that I didn’t watch anything else, it was too scary.”

Hindi makalalaro sa kabuuan ng first round playoff ang two-time MVP bunsod nang injury sa kaliwang tuhod.

RAPTORS 114, WIZARDS 106

Sa Toronto, tinuldukan ng Raptors ang 10-game losing streak sa playoff series opener nang ngatain ang Washington Wizards.

Hataw si Serge Ibaka sa natipang 23 puntos at 12 rebounds, habang kumana si Delon Wright ng 18 puntos para sa impresibong Game 1 win sa kanilang playoff match sa East.

Kumubra rin si DeMar DeRozan ng 17 puntos at kumana sina C.J. Miles at OG Anunoby ng tig-12 puntos at nalimitahan si Kyle Lowry ng 11 puntos at may siyam na assists.

Nakatakda ang Game Two sa Martes (Miyerkules sa Manila).

Nanguna si John Wall sa Wizards na may 23 puntos at 15 assists, habang humugot sina Markieff Morris ng 22 puntos at 11 rebounds at Bradley Beal na may 19 puntos.

SIXERS 130, HEAT 103

Sa Philadelphia, higit na nakapapaso ang opensa ng Sixers, sa pangunguna ni rookie Ben Simmons na may 17 puntos, 14 assists at siyam na rebound, laban sa Miami Heat.

Nasa bench lang si All-Star Joel Embiid na nagpapagaling sa injury sa kaliwang bahagi ng mata ‘broken orbital bone’.

Kumana si JJ Redick ng 28 puntos, habang bumalikat sina Marco Belinelli at Ilyasova ng 25 at 17, puntos ayon sa pagkakasunod.

PELICANS 97, BLAZERS 95

Sa Portland, Oregon, nasilat ng New Orleans Pelicans, sa pangunguna ni Anthony Davis na may 35 puntos, 14 rebounds at apat na blocks, ang host Trail Blazers sa pagsisimula ng kanilang playoff series.

Kumasa si Jrue Holiday sa naiskor na 21 puntos para sa Pelicans na tinanghal na unang koponan ma No.6 seed sa kasaysayan ng PBA na nagwagi sa opening match .

Nanguna si Damien Lillard sa Portland sa nakubrang 18 puntos, pitong rebounds at pitong assists, habang tumipa si CJ McCollum ng 19 puntos.