Bonnie Tan (Metro Manila Sports Fest Facebook)
Bonnie Tan (Metro Manila Sports Fest Facebook)

MAKAKASAMA na rin ang women’s volleyball sa paglarga ng Metro Manila Sports Fest Season 2 sa susunod na linggo.

Lalaruin ang 16-under girls volleyball at 24-and under class sa San Juan gym kasunod ng paglarga ng basketball event sa torneo na itinataguyod ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pakikipagtulungan ng Metro Manila Council.

Kabuuang 16 koponan ang sasabak sa basketball event na suportado ng Philippine Basketball Association (PBA), kabilang ang 10 koponan sa girls volleyball at siyam sa women’s’ volleyball.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Opisyal na inilunsad ang liga kamakailan nina MMDA OIC General Manager Jose Arturo Garcia Jr. kasama sina commissioner at Globalport coach Pido Jarencio, at tournament director Bonnie Tan.

“During the meeting with the different LGUs (Local Government Units), they proposed to have a women’s volleyball, kaya ngayon mayroon na tayong volleyball,” sambit ni Tan.

Nakahilera ring isama sa susunod na season ang beach volleyball, boxing, at 3x3 basketball, sa pangangasiwa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Limang laro ang sasambulat sa opening day tampok ang duwelo ng San Juan at Makati sa girls’ volleyball ganap na 8:00 ng umaga kasunod ang San Juan vs Paranaque sa women’s volleyball sa 9:30 ng umaga.

Matatapos ang opening ceremony sa 12:00 ng tanghali, magtutuos ang MMDA kontra San Juan sa basketball sa 10:00 ng umaga kasunod na laro ng Pateros vs Pasay, at Caloocan kontra Quezon City sa 4:30 ng hapon.