BAMAKO (AFP) – Patay ang isang UN peacekeeper at ilan pang sundalong French ang nasugatan sa rocket at car bomb attack sa Timbuktu airport area, sinabi ng Mali security ministry nitong Sabado.

‘’A terrorist attack targeted’’ France’s Barkhan camp gayundin ang mga tropa ng UN sa hilagang lungsod ng Mali city, ipinahayag ng ministry sa Facebook.

Isandodenang rockets ang pinaulan sa dalawang kampo na sinabayan ng pag-atake ng mga armadong kalalakihan na nakasuot ng UN blue helmets sakay dalawang behikulo at naghagis ng mga bomba.

‘’One of the vehicles exploded, while the second bearing the UN sign was halted,’’ saad sa pahayag.

'Impeach Sara!' Ilang progresibong grupo nagkilos protesta sa harap ng Kamara

Sinabi ng ministry na ang huling bilang ng casualty ay isang sundalo ng UN ang namatay, 12 ang nasugatan at lima ang malubha, at isandosena pang sundalong French ang nasugatan din.