VIGAN CITY -- Kabuuang 200 estudyante at mga advisers buhat sa buong kapuluan ang siyang nakikinabang ngayon sa pagsasanay na isinasagawa ng Philippine Sports Commission upang tulungan sa pagsusulat ng balita sa mga resulta ng 2018 Palarong Pambansa, na pormal nang binuksan ngayon sa Quirino Stadium dito.

Pinangunahan ni PSC Commissioner Charles Maxey, dating sports editor ng Sunstar Davao, ang pagtuturo ng Journalism sa mga estudyanteng makikiisa rin sa coverage ng Palaro.

“We have the oppurtunity to be with these young people who are the future communicators of our country,” pahayag ni Maxey.

Nagsanib puwersa ang PSC at ang Department of Education (DepED) kasama ang Philippine Information Agency upang ipamahagi ang pinakasimpleng pamamaraan ng pagsusulat sa larangan ng sports para sa mga kabataang manunulat.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakatakdang isalang ng PSC ang kanilang mga estudyante upang magkober ng mga events sa nasabing annual meet na may kabuuang 28 sports disciplines na paglalabanan kung saan may nakalaang 1599 medalya ang nakataya.

“There are many stories that are waiting to be told,” said Ambat in her talk as she gave the participants some idea on possible topics,” pahayag ni assistant secretary G.H. Ambat.

Inaasahan din ni Ambat na magpapakitang gilas ang mga nauna nang nagwagi sa regional at national writing conferences upang magkober at gumawa ng makabuluhang istorya tungkol sa palarong Pambansa. - Annie Abad