Ni MARY ANN SANTIAGO 

Nagsimula nang magdagsaan kahapon sa mga lokal na tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga naghahain ng kandidatura para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Mayo 14.

Kasabay ng pagsisimula ng election period kahapon ay sinimulan na rin ng Comelec ang pagtanggap ng mga certificate of candidacy (COC).

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, bagamat hindi pa kumpleto, nakatanggap ng ulat ang poll body mula sa mga local officer na marami na ang naghain ng kandidatura sa unang araw ng COC filing.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

“While reports from the field are still incomplete as of this time, many offices are reporting that the filing process is proceeding in an orderly fashion. Constant monitoring by the Commission on Elections indicates that no significant disturbances or disruptions have occurred,” ani Jimenez.

Sinabi rin ni Jimenez na maraming senior citizen at kababaihan ang nagsipaghain ng kandidatura.

“Preliminary data also indicates that there have been more filers for Barangay positions than Sangguniang Kabataan; that a significant number of filers are senior citizens; and that close to half of the filers are female,” ulat pa ni Jimenez.

COC MADA-DOWNLOAD

“Over-all, it can be safely said that the first day of the filing of COCs has gone off without a hitch and that the Comelec is confident that this trend will continue until the last day of filing, on the 20th of April,” dagdag pa niya.

Kasabay nito, pinaalalahanan ni Jimenez ang mga nais kumandidato na maaaring mag-download ng COC forms sa official website ng Comelec, at maaari ring magpa-photocopy nito mula sa mga lokal na tanggapan ng poll body.

CHECKPOINT

Samantala, nagpaalala rin kahapon ang Comelec sa Philippine National Police (PNP) tungkol sa tamang paglalagay ng mga checkpoint kaugnay ng pagsisimula kahapon ng nationwide gun ban.

Ayon kay Jimenez, ang mga checkpoint ay kailangang nakapuwesto sa mga lugar na may sapat na ilaw upang kaagad silang makikita ng publiko.

Dapat din aniyang may malaking karatula na nasusulatan ng “COMELEC Checkpoint”, at malinaw na mababasa ang pangalan at numero ng election officer at station commander na in-charge.

Giit pa ni kailangang naka-uniporme ang mga pulis na nagbabantay sa bawat checkpoint, at pawang “plain view” o “visual search” lamang ang maaaring gawin.