LONDON (AFP) – Nahaharap si British Prime Minister Theresa May sa backlash ng oposisyon matapos maglunsad ng military strikes sa Syria nang hindi kinokonsulta ang parliament.

Habang ipinapaliwanag ng Conservative leader ang kanyang katwiran sa air strikes, sinabi ng oposisyon na kaduda-duda ang mga pag-atake, nanganganib na palalain ang gulo at dapat na inaprubahan muna ng mga mambabatas.

‘’Bombs won’t save lives or bring about peace,’’ sinabi ni Jeremy Corbyn, beteranong leftist leader ng main opposition na Labour Party. ‘’This legally questionable action risks escalating further... an already devastating conflict. Theresa May should have sought parliamentary approval, not trailed after Donald Trump.’’

Naglunsad ng airstrike ang British, US at French nitong Sabado kasunod ng diumano’y chemical weapons attack sa bayan ng Douma noong Abril.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Iginiit ng gobyerno ni May na legal ang punitive strikes, at layunin nitong maibsan ang ‘’extreme humanitarian suffering’’ ng mamamayang Syrian sa pagbawas sa chemical weapons capabilities ng rehimen ni President Bashar al-Assad.