UMAMIN Sinampahan ng Quezon City Police District ng kasong child abuse si dating comedian Philip “Kuhol” Supnet. PIO QCPD
UMAMIN Sinampahan ng Quezon City Police District ng kasong child abuse si dating comedian Philip “Kuhol” Supnet. PIO QCPD

Ni ALEXANDRIA SAN JUAN

ISANG komedyante at dating kagawad ng barangay sa Quezon City ang inaresto matapos umanong halikan sa labi ang kanyang babaeng inaanak na 10-taong gulang.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director Chief Supt. Guillermo Eleazar ang suspek na si Philip Supnet, kilala sa tawag na Kuhol, 58, ng Barangay North Fairview sa nasabing lungsod.

Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal

Sa inisyal na imbestigasyon, bumibili ang inaanak ni Supnet na Grade 5 pupil, sa kanyang tindahan sa harapan ng kanyang bahay sa Axtell Street, Bgy. North Fairview nang anyayahan ng suspek na pumasok sa loob ng tindahan.

Sinasabing hinalikan umano sa labi ni Supnet ang bata at sinabihang huwag maingay at bumalik sa sususnod na araw.

Takot na takot umano ang bata sa ginawa ng kanyang ninong, kaya pag-uwi ng bahay ay agad nagsumbong sa kanyang ama na dali-daling nag-report sa kanilang barangay.

Mabilis na inaresto ng mga opisyal ng barangay ang suspek at dinala ito sa QCPD-Fairview Police Station.

Sa pulisya, hindi umano itinanggi ng suspek ang alegasyon at humingi ng paumanhin sa pamilya ng biktima.

Nakatakdang sampahan ng kasong child abuse si Supnet, na kilalang komedyante sa telebisyon at sumabak sa mga pelikula at teleserye.