Ni REGGEE BONOAN

LAST Friday kinunan ang video shoot si Kris Aquino para sa Asvel, ang largest factory na gumagawa ng iba’t ibang gamit sa bahay.

KRIS copy

Tiningnan namin sa Internet kung anu-ano ang mga produkto ng Asvel at nakita naming mayroon silang humidifiers, fans, electric shavers, rice cookers, hair dryers, electric kettles, air conditioners, food processors, juicers, refrigerators, coffee makers, laundry machines, mixers, plantsa, electric facial massager, cooktops, fryers, vacuum cleaners, waffle makers, yogurt makers, blenders, ice crushers, toasters, water dispensers, freezers, microwave ovens, read makers, stoves/ovens, sandwich makers, ice-cream makers, dehumidifiers, noodle makers, heaters, air purifiers, body slimming, popcorn makers, steamboat pots, washer dryer, ice makers, thermo pots, massagers, cooker hoods, dish rryers, dishwashers, appliances accessories, water purifiers. Nabibili ang mga ito sa lahat ng appliance store at Japan Homes dito sa atin.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Excited si Kris nu’ng unang banggitin na inimbitahan siya ng may-ari ng Asvel dahil siya mismo ay bumibili ng mga produktong ito. Maging sa video shoot na ipinost niya sa Instagram kinahapunan ng Biyernes ay isa-isang tiningnan ng Queen of Online World and Social Media ang mga nabanggit na produkto.

“What a privilege to have toured the factory of a Japanese full range houseware & food storage manufacturer from a true lover like me! Another TEAM KCAP milestone to shoot in MIE Prefecture (the midpoint between Osaka & Nagoya) with Direk @markmeily & @eelawbriones. Thank You God. And I love & appreciate all of you for supporting my production company’s journey!”

Akalain mo, Bossing DMB hindi na lugi si Kris sa madalas na pagpunta-punta nila nina Joshua at Bimby sa Land of the Rising Sun dahil kinuha na siyang brand partner ng Asvel.

At take note, sa rami ng travels nina Kris, Joshua at Bimby sa Japan ay ngayon lang nila natiyempuhan na in full bloom ang Cherry Blossoms o Sakura flowers. Parati kasing natatapat na winter ang punta ng mag-iina sa bansang paborito nila.

Ipinost ni Kris ang kuha nilang mag-iina sa ilalim ng Sakura tree at ang caption ay, “Sons show me everyday -- I don’t have to be perfect in order for me to be LOVED. #motherhood #grateful.”

Samantala, pagbalik ni Kris ng Pilipinas ay magkakaroon sila ng meeting sa Star Cinema para sa development ng movie project niya na ididirek ni Giselle Andres. Si Direk Giselle ang namahala sa pelikulang Loving in Tandem nina Maymay Entrata at Edward Barbers. Matagal na siyang assistant director ni Olive Lamasan.