Host Ilocos Sur, kumpiyansa  sa Palaro title

VIGAN CITY— Handa at kumpiyansa ang mga atleta ng Ilocos Sur na makapagbibigay ng kasiyahan sa mga kababayan sa paglarga ng ika-61 edisyon ng Palarong Pambansa na sasambulat ngayon tampok si Pangulong Duterte bilang panauhing pandangal sa Quirino Stadium dito.

“We just don’t want to set a gold standard for Palarong Pambansa hosting but also turn the games as vehicle for sharing our blessings to the athletes and their officials,” pahayag ni Ilocos Sur Governor Ryan Singson.

“Doing it right the first time’ is one of our province’s guideposts,” ayon kay Singson, National President ng League of Provinces (referring to Ilocos Sur’s initial foray as Palaro host).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hindi pa man nagsisimula ang laban, pinatunayan na ng Ilocos Sur ang pagiging mapagbigay na host nang sagutin ang transportation ng mga atleta, opisyal at iba pang miyembro ng delegasyon mula sa Visayas at Mindanao.

Ayon kay Singson, inaprubahan ng lalawigan ng Ilocos Sur ang karagdagang budget para masustinahan ang P300 milyon na inilaan ng organizing Department of Education para matiyak ang tagumpay ng Palaro.

Kabuuang 20,000 atleta at opisyal mula sa 17 regions ang makikibahagi sa taunang torneo para sa mga estudyanteng atleta na sasabak sa 29 sports.

Bukod sa maaksiyong tunggalian, inihanda rin ng Ilocos Sur ang buong lalawigan para maipakita at maibida ang ganda ng kultura at kasaysayan ng lalawigan. Ang kapitolyo na Vigan City ay kabilang sa UNESCO World Heritage list, gayundin ang ipinagmamalaking Nuestra Seṅora Church sa bayan ng Santa Maria.

Kasabay din ng Palaro ang pagdiriwang ng Ilocos Sur sa ‘bicentennial year’ sa paghiwalay ng lalawigan sa Ilocos Norte noong 1818 sa bisa ng Spanish Royal decree.