NADOMINA ni Daniel 'Danby' Henares ang 2018 Quarter Benchrest Rifle Championship sa napagwagiang ginto at silver medal kamakailan sa Marine Range sa Fort Bonifacio sa Taguig City.

Dalawang araw matapos ang kampeonato ng San Miguel Beermen kung saan nagsisilbing assistant team manager si Henares, sa shooting range naman siya nagpakitang gilas.

Naitala niya ang iskor na 720 para sa gintong medalya sa kompetisyon ng Philippine National Shooting Association.

“I always worry when a lot of shooters sign up. But I was very fortunate to lead after the first shooting card,” sambit ni Henares.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“The wind is the only enemy for a well tuned rifle and it started to blow by the third and last shooting card,” aniya.

Ginapi ni Henares sina Jun Bernardo (713.18) at third placer Gene Manalastas (708.18).

“But in the last shooting card, all the scores had dropped and I was able to maintain my lead,” aniya.

Nakamit din ni Henares, winningest shooter sa Benchrest rifle competition, ang silver medal sa light Varmint class sa iskor na 720.22 puntos.

Nagapi siya ni None Alvero (726.27) habang bronze medalist si Nick Lagustan (713.16).