Ni Leandro Alborote

CONCEPCION, Tarlac - Pinaghahanap ngayon ang isang 52- anyos na lalaki nang looban umano ang bahay ng kanyang pinsan sa Barangay San Francisco, Concepcion, Tarlac, nitong Miyerkules ng gabi.

Ang suspek ay nakilala ng pulisya na si Cornelio Geronilia, binata, ng Alcala, Pangasinan.

Ayon kay PO2 Jose Dayrit Baluyut III, tinangay umano ni Geronilia ang P150,000 cash ng pinsang si Editha Enteria, 51, ng Bgy. San Francisco, Concepcion, bukod pa sa mga alahas na nagkakahalaga ng P500,000.

Kinuha ng biktima si Geronilia bilang katiwala sa bahay nang umuwi sa Pangasinan ang pamilya nito.

Probinsya

Nasa 15 katao, sugatan sa salpukan ng isang jeep at kotse; 5 sa kanila, nadaanan lang!