Ni REMY UMEREZ

DINGDONG Dantes
DINGDONG Dantes
TUWING nalalapit ang halalan ay may mga artistang nagtatangkang pumasok sa larangan ng pulitika. May mga pinapalad at may mga talunan pagkatapos ng eleksiyon. Halimbawa, mula sa pagiging konsehal, kongresista na ngayon ng 5th District ng Quezon City si Alfred Vargas, na maituturing na successful sa kanyang pagpasok sa pulitika.

Kumakalat ngayon ang balitang may balak si Dingdong Dantes na tumakbo sa 2019 elections. Ito ang tila gusto niyang ipahiwatig sa paglilibot niya bilang tagapagsalita ng Yes Pinoy Foundation. Tila pagiging senador ang pinupuntirya niya. Pero sa kabila ng mga haka-haka ay nananatiling tikom ang bibig niya.

Marami ang naniniwala na ang isang katulad ni Dingdong na iginagalang at responsable ay may malaking maitutulong sa ikauunlad ng bansa.

Bea Binene, pinadadalhan ng mensahe matapos ang hiwalayang Bea-Dominic