Humingi ng paumanhin si Pangulong Duterte kay Myanmar State Counselor Aung San Suu Kyi sa kanyang naging pahayag tungkol sa Rohingya crisis.

Noong nakaraang linggo, inilarawan ng Pangulo ang military crackdown sa Myanmar bilang “genocide”, at binatikos ito ng tagapagsalita ng Myanmar government, sinabing walang alam si Duterte sa tunay na sitwasyon sa kanilang bansa.

Sa kanyang mensahe para kay Suu Kyi, nilinaw ni Duterte na hindi siya nanghihimasok sa aniya’y “cold war” sa Myanmar, at humingi ng paumanhin.

Giit ng Pangulo, ang naging pahayag niya ay “satirical” lamang at nakadirekta talaga sa mga bansa sa Europa, na ayon sa kanya ay walang ginagawa para tulungan ang Rohingya refugees. - Beth Camia

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji