GAMIT ang mga physical education teachers bilang mga atleta, dinomina ng Department of Education, Culture and Sports ang 2018 Inter-Government Agency Festival of Sports kamakailan sa Rizal Memorial Sports Complex at Harrison Plaza sa Manila.
Hinakot ng DepEd ang lahat na medalya sa table tennis, handball, badminton at volleyball at ang huli ang ginto sa women basketball kontra DILG, 96-40.
Isa lang ang nakalusot sa DepEd ang men’s basketball napagwagian ng Department of Agriculture kontra DPWH, 93-86.
Hindi man nanood si DA secretary at dating Tempo sports columnist Manny Pinol tiyak na masaya siya sa tagumpay ng kanyang mga manlalaro sa men’s basketball.
Tinalo ng DepEd ang runner-up DPWH, 3-0, at kinuha ng Department of Agrarian Reforms ang tanso sa badminton at nanaig sa Handball laban sa runner-up at host Philippine Sports Commission, 7-2.
Mahigpitan ang laro ng DepEd at PSC subalit hindi nakayanan ng mga manlalaro ni Chairman William Ramirez na sina Roxanne Narciso, Ma. Carmen Goleta, Maribel Hugo, Aldie Faith Denuyo, Aizzabelle Terrado, Hannah Villavicer, Daisy Paligutan at Marilou Barrios ang opensa ng DepEd.
Kinuha rin ng DepED ang ginto sa table tennis kontra Department of Interior and Local Government, 2-1, sa pinagsamang puwersa nina Carina Joanna Marie Gabunilas, Jheanne Garbin at Norene Joyce Soriano, tinalo nila ang tropa nina Jade Jelloren, Aprilyn Nevarez, at Karen Pacquing at volleyball tinalo ang DSWD sa men and women sa iskor 25-9, 25-20, 25-8 at 25-17, 25-24, 25-23.
Ginawaran ni PSC Commissioner at Officer-In-Charge Ramon Fernandez kasama sa chairperson Com. Dr. Celia Kiram at Executive Assistant Judith Laygo ang mga kampeon sa table tennis, handball at volleyball sinabitan nang medalya nina Com. Arnold Agustin at Executive Assistant Director Atty. Guillermo Iroy Jr. ang mga nanalo sa basketball at badminton nilaro sa Rizal Memorial Coliseum.
Sinabi ni Kiram dahil sa maraming sumali umabot 1,500 galing sa iba’t-ibang ahensiya nang pamahalaan, gagawin ang torneo sa Rizal Memorial Sports Complex.
“We will hold the competition next year right at Rizal Memorial Sports Complex because Harrison Plaza cannot accommodate all the participating athletes,” sabi ni Com. Kiram.
Ang mga kalahok ay ang DILG, DFA, DSWD, DA, DAR, DOST, OSG, DOJ, Dep-Ed, DOT, DOLE, DND, DTI, DOF, DOE, PSC, DENR, at Ladlad partylist.