INAASAHAN na magiging mabigat at mahigpitan na labanan sa pagpapatuloy ng Alphaland National Executive Chess Championships, kung saan ang mga kalapit na probinsiya ay magpapadala ng kanilang pinakamagagaling at matinik na manlalaro sa fourth leg na iinog sa Abril 28 sa Kubo Bar Garden and Restaurant sa Kalibo, Aklan.
“This is the first out- of- Luzon PECA event that will cater mostly to Visayan Executives who will display their vaunted chess savvy & ferocity in the chessboard,” pahayag ni Philippine Executive Chess Association (PECA) President Atty. Cliburn Anthony A. Orbe, na treasurer din ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP).
Kabilang sa mga naunang nagpatala ay sina Visayan National Master Executives sa pagrenda ni PECA Vice President for the Visayas Aklanon NM Wilfredo Neri, na siyang organizer ng nasabing event. Kasama din si living legend NM Rosendo Bandal, Jr., isang retired judge sa Dumaguete City at former Chess Olympian. Tampok din sina NM Francis Jocson ng Roxas City Water District sa Capiz, Iloilo NM at organizer Carlito Lavega , online chess instructor NM Alfred Acaling ng Cadiz City , Negros Occidental at NM Rolzon Roullo ng Tanjay City sa Negros Oriental.
Sila ay mapapasabak sa Mindanao, Luzonat Metro Manila players kung saan ito ay pangungunahan nina PECA Vic e President for Mindanao James Infiesto (8th leg organizer) of Davao Cityat Lake Sebu, South Cotabato’s Lito Dormitorio (5th leg organizer).
Ang Metro Manila combatants ay kinabibilangan nina PECA President Cliburn Anthony Orbe (angcurrent Grand Prix leader); Romblon dentist & PECA Secretary Dr Jenny Mayor, practicing sa Quiapo, Manila; Marinduque dentist & PECA Press Relation Officer Dr. Alfredo Paez, practicing sa Cabuyao, Laguna; IT Specialist Joselito Cada ng Lucban, Quezon na nagtatrabaho sa Makati City, NCFP Director Martin ‘ Binky’ Gaticales ng PLDT, Clark dela Torreat San Beda (Alabang) coach Chester Caminong. Masisilayan din ang magkapatid na Asi, Dep Ed’s Joselitoat banker Emmanuel ng Calapan City, Oriental Mindoro.
Ipaparada naman ng Iloilo sina engineers Rolando Pamplona (Passi City) , Lloyd Lanciola (San Dionisio)at Patrick Panaligan (mula Passi City), habang ang Capiz ay sina Roxas City Water Districts’ Felixberto Baguyo Jr , engineer Anthony Arcangelesat businessman Pericles Chua. Ipapadala naman ng Antique sina engineer Jonathan de Gracia ng Sibalom Water District, Nelson Lo Trayfalgar Jr. (San Jose), at Jesmar Santillanat Von Steven Aquino (Sibalom).
Ang Romblon ay ihaharap si IT expert Orly Pascual (Looc), Tony Capa (Calatrava), engineer Noel Mabulac (Odiongan) at engineer Ernie Faeldonia ng DSWD (mula Odiongan). Kalahok din si Lawyer Jason Maxino Bandal, anak ni retired judge NM Rosendo Bandal ng Dumaguete City na makikipag-agawan sa titulo kasama ang mga Cebuanos na sina businessman Ben Dimaano, NM Leonardo Alidani at NM Carlos Cabuenos
May cash prizes at trophies ang naghihintay sa magwawagi sa Kalibo leg. Ang Top 6 ay mag qualify sa cash- rich Grand Finals sa Metro Manila kung saan si former world champion Gary Kasparov ang special guest at may pabuyang P50,000 cash bonanza ang naghihintay sa magkakampeon.