Ni Liezle Basa Iñigo

MANAOAG, Pangasinan - Natimbog ang isang binatilyo sa paglabag sa election gun ban matapos itong magwala, bitbit ang isang hindi lisensiyadong baril, sa Barangay Sapang sa Manaoag, Pangasinan, kahapon ng madaling-araw.

Nakapiit na ngayon sa himpilan ng Manaoag Police ang 16-anyos na suspek, farm caretaker sa Bgy. Sapang.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Narekober sa pag-iingat ng binatilyo ang isang .9mm pistol (Armscor) na may kargang magazine na may dalawang bala, dakong 12:15 ng madaling-araw.

Inireklamo ng mga residente ang suspek dahil may bitbit itong baril nang manggulo ito sa nasabing lugar.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comelec Gun Ban) laban sa binatilyo.

Todo-higpit naman ang mga tauhan ng pulisya sa Region 2 sa pagpapatupad ng election gun ban.

Ito ay nang iutos ni Chief Supt. Jose Mario Espino, director ng Police Regional Office (PRO)-2, sa mga provincial director at city director ng Santiago City Police Office na maglatag ng mga checkpoint sa mga delikadong lugar sa buong rehiyon.

Kaugnay nito, suportado naman ng mga lokal na pamahalaan sa Nueva Ecija ang panukala ng mga botante na mandatory drug test sa mga kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Isa sa sumuporta sa hakbang si Peñaranda Mayor Atty. Ferdinand Abesamis, pangulo ng Nueva Ecija Mayor’s League, na hangad din ang malinis at patas na eleksiyon sa Mayo 14.