Ni ADOR SALUTA

PAGKAPIRMA ng dalawang taong kontrata sa ABS-CBN last Thursday, sasabak agad si Ryza Cenon sa full-length teleserye titled The General’s Daughter kasama si Maricel Soriano.

RYZA EULA ANGEL DEO MARICEL AT JANICE copy

Magsisilbi rin itong reunion project ni Ryza with Angel Locsin na nakatrabaho niya noong 2006 sa Majika ng GMA-7.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ang Kapamilya upcoming drama series ay magsisilbing follow-up project for Tirso Cruz III and Eula Valdez na pinuri ang akting sa kanilang pagganap sa Wildflower (Tirso) at The Good Son (Eula).

Sa post ng Dreamscape Entertainment head na si Deo Endrinal, kinumpirma nito ang nasabing teleserye sa isinagawang story conference last Thursday rin mismo.

Ang The General’s Daughter, serves also as Angel’s full-length comeback on primetime TV after four years. Ang huling teleserye na kanyang pinagbidahan ay ang The Legal Wife (2014).

September last year hanggang nitong January ay napanood si Angel sa La Luna Sangre bilang ‘lobo’ na original role niya sa fantaseryeng may ganoong pamagat (2008).

Ito rin ang unang pakikipagtrabaho ni Angel sa Dreamscape Entertainment. Ang lahat ng nakaraang mga teleserye niya ay produced ng Star Creatives production unit.

Magsisilbi ring comeback ni Maricel sa paggawa ng teleseryes ang The General’s Daughter pagkatapos ng apat na taong pamamahinga sa telebisyon. Ang huli niyang project ay ang seryeng Dalawang Mrs. Real sa Kapuso Network.

Another returning Kapamilya is Janice, whose last TV series was GMA-7’s My Korean Jagiya. Earlier this year, napanood din siya sa isang episode ng Ipaglaban Mo ng ABS-CBN.