Ni Beth Camia

Pinagpapaliwanag ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang kampo nina Vice President Leni Robredo at dating Senador Bongbong Marcos dahil sa pagsisiwalat ng mga impormasyon kaugnay ng isinasagawang manual recount ng mga boto sa pagka-bise presidente noong May 2016 elections.

Sa limang pahinang ruling, na may petsang Abril 10, 2018 at pirmado ni Atty. Edgar Aricheta, clerk ng PET, binigyan ng hukuman ng 10 araw ang magkabilang panig upang magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat na patawan ng contempt dahil sa paglabag sa resolusyong inilabas nito noong Pebrero 13 at Marso 20, 2018.

Sa resolusyon, inoobliga ng PET ang kampo nina Marcos at Robredo na sumunod sa sub judice rule.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sa kabila umano ng nasabing resolusyon, lumabas sa mga ulat sa media na nagpapahayag umano ng mga sensitibong impormasyon ang kampo nina Marcos at Robredo sa pamamagitan ng kani-kanilang abogado o kinatawan kaugnay ng ginagawang bilangan.

Kinakailangan umanong magpaliwanag ang kampo nina Robrero at Marcos kung bakit hindi sila dapat patawan ng contempt, upang mapanatili o mapangalagaan ang pagiging sagrado ng revision proceedings.