Ni Fer Taboy

Muling itinanggi ng Philippine National Police (PNP) ang extrajudicial killings (EJKs) sa bansa, batay sa inilabas na datos sa kampanya kontra ilegal na droga ng pamahalaan.

Ayon kay Chief Supt. John Bulalacao, tagapagsalita ng PNP, masyado lang nakatuon ang mga kritiko sa halos 4,000 namatay subalit hindi napapansin ang mahigit 1.3 milyong drug personalities na sumuko at mahigit 120,000 iba pang naaresto.

Aniya, kung ihahambing ang bilang ng namatay sa giyera sa droga sa bilang ng sumuko, ang ratio ay 0.3 porisyento.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Malinaw, aniya, sa datos na hindi polisiya ng pamahalaan ang extrajudicial killings.

Paliwanag pa ni Bulalacao, kung bahagi ng kampanya ng pamahalaan ang EJK ay patay na rin ang mahigit 1.3 milyong sumuko at 120,000 arestado.

Binigyang-diin ni Bulalacao na may presumption of regularity sa pagsasagawa ng kampanya kontra ilegal na droga.

Ibig sabihin, ikinokonsiderang tama ang aksiyon ng mga pulis sa pagtupad ng kanilang tungkulin kung hindi napatutunayan sa korte na ito ay mali.