(Reuters) - Dinepensahan ng Guatemalan prosecutors at ng United Nations-back ang Commission against Impunity sa Guatemala (CICIG), matapos itong makaranas ng 'information leaks' na humadlang sa planong pag-aresto sa pitong katao na nahaharap sa corruption scandal.

Nitong Biyernes, handa na ang mga pulis at prosecutor sa Gutemala para arestuhin ang pitong katao na sangkot sa Social Security corruption scandal, ngunit naudlot ito dahil apat sa mga ito ang nakaalis na ng bansa habang ang tatlo ay inalerto sa pamamagitan ng tawag.

Ito ang unang pagkakataon na nakalabas ang impormasyon ng grupo, lalo’t ang operasyon ay sa pagitan lamang ng Interior Ministry, prosecutors at ng CICIG investigators.

Ayon kay Guatemala Interior Minister Enrique Degenhart, pinaiimbestigahan na ang leakage na sinasabing lumabas sa pamamagitan electronic system.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina