Ni NITZ MIRALLES

SI Gina Alajar ang director ng Extraordinary Love, ang bagong primetime ng GMA-7 na isa sa mga bida si Nora Aunor.

gina nora

Nagkaroon ng isyu nang masulat na nag-walkout si Nora sa taping. Nag-alala si Guy dahil baka nga naman maniwala ang mga nakabasa at akalaing nag-a-attitude siya sa taping. Pati sa word na ginamit, na “tinopak” siya, nag-aalala ang superstar.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Kaya nang makausap namin si Gina sa taping ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, tinanong agad siya tungkol sa isyu.

“Hindi siya tinopak at walang walkout na nangyari. She comes early at minsan, nauuna pa sa akin. Masaya kami sa set, namigay pa nga siya ng pera, the last time, namigay ng P12,000 sa staff, nagpahulaan sa jigsaw puzzle. Dahil sa cut off niya, inuuna kong kunan ang mga eksena niya,” sagot ng actress/director.

Nagulat din si Gina sa isyung special participation lang daw ang role ni Nora.

“Hindi siya special participation at hindi maikli ang role niya. She’s a strong poste sa story sa soap. Launching man ang Extraordinary Love nina Mikee Quintos at Kate Valdez at Jo Berry, kailangan pa rin ng matibay na poste para hindi matibag. Sina Mareng Nora, Gardo Versoza at Cherie Gil ang mga matitibay na poste ng soap. She’s a major, major character sa soap, kailangan siya para maging masarap ang panlasa ng soap,” paliwanag ni Gina.

Samantala, patuloy na ginagalit ni Gina at pinapa-high blood ang viewers ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka dahil sa pang-aapi niya kay Yasmien Kurdi. Wala pa namang major na pamba-bash kay Gina at kung meron man, dedma siya. Totoo namang trabaho lang ang ginagawa niya, kaya hinahayaan lang niya ang bashers.

“Natutuwa lang ako dahil naipapaabot ng soap sa viewers ang objective namin tungkol sa HIV at AIDS. Maraming matututunan sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka, hindi lang sa pang-aapi kay Thea (Yasmien).