“BAKA ako lang kasi ang tumatanggap ng horror,” pabirong sabi ni Kim Chiu nang pabulong naming tanungin namin kung bakit horror ulit ang project niya, sa mediacon ng pelikulang Da One That Ghost Away na idinirehe ni Tony Y. Reyes.

Kim

Horror din ang huling pelikula ni Kim sa Star Cinema, bagamat malaki ang pagkakaiba.

“Itong Da One That Ghost Away po ay comedy, ‘yung Ghost Bride ay horror-drama po, so magkaiba. Ang pagkakapareho lang, may ghost.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

“Parehas sila na gagawin ang lahat para sa pamilya which is ‘yun ang pinakagusto ko na parang i-portray na typical na Pilipino na anak na gagawin ang lahat para sa magulang. Ito naman gagawin din niya lahat para sa lola niya.

Tulad sa totoong buhay, laking lola din ako so parang malapit sa akin itong role na ito. ‘Yun ang pinagkapareha nila.

“Ang pinagkaibahan lang nila is si Mayen ay mag-isa niyang tinahak ang problema niya, sinolo niya lahat, inayos niya mag-isa. Ito naman si Carmel meron siyang mga kaibigan at saka sobrang jolly siya. Si Mayen serious na laging kabado. Ito si Carmel, fun lang na maraming barkada at merong pinsan at lola.

“Ako po ang nagpasimuno ng lahat na nangyari. Sa lola ko po talaga nagsimula, played by Marissa Delgado na tunay na ispiritista na nagkaroon po siya ng sakit na Alzheimer kaya nakakalimutan ‘yung mga spell and chants kaya ako po ‘yung nagpatuloy. Sikat po kasi siya nu’ng araw at gusto kong maging katulad niya kaya naging ispiritista din po ako, taga-cast po ako ng ghost, kung may gustong magpakulam, kukulamin namin, kung may gustong magpatanggal ng multo sa bahay ninyo, tatanggalin namin. Nakabuo po kami ng barkada which is called The Pektus.”

Nakakailang horror movies na si Kim kaya tinanong siya kung okay na sa kanya na tawagin siyang Horror Queen, na naunang ibinigay kay Kris Aquino.

“Hindi, siya pa rin at wala nang iba,” mabilis na sagot ni Kim.

Kahit hindi na nagkikita sina Kris at Kim ay parati silang nagkakausap sa phone at nagpapalitan ng text messages.

“Magka-text naman kami and happy siya na nag-horror ulit ako pero may comedy. Bagay daw sa akin, parang ganyan. So parang natutuwa naman siya.”

Ang iba pang kasama sa DOTGA ay sina Ryan Bang, Enzo Pineda, Maymay Entrata, Edward Barber, Pepe Herrera, Lassy Marquez, Moi Bien, Chokoleit, Matet de Leon, Cai Cortez, Odette Khan, at Melai Cantiveros.

Mapapanood na sila sa Abril 18 sa mga sinehan nationwide.