Ni Fer Taboy

Malubha ang lagay ng isang lalaki nang saksakin ng kanyang kapatid matapos silang magtalo sa San Fabian, Pangasinan nitong Huwebes ng hapon.

Naiulat ng San Fabian Municipal Police na isinugod sa pagamutan si Johny Narvas, 23, ng Barangay Nibaliw Narvarte, San Fabian, Pangasinan, dahil sa tama ng kutsilyo sa katawan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Pinaghahanap pa ngayon ng pulisya ang suspek na si Sonny Narvas, 37, ng nasabing lugar, makaraang tumakas matapos ang insidente.

Nangyari ang insidente habang ang-iinuman ang magkapatid kasama ang ilang kaanak at nagkaroon sila ng pagtatalo, nitong Huwebes ng gabi.