Ni Liezle Basa Iñigo

CAMP MARCELO A. ADDURU, TUGUEGARAO CITY - Arestado ang tatlong katao habang tatlong babae naman ang nailigtas sa entrapment operation sa Aparri, Cagayan.

Kabilang sa naaresto ang mag-asawang sina Ruby Ringor at Joie Ringor, ng Barangay Punta, Aparri, Cagayan; at Raymundi Gilbert Sitchon, ng Katangan, Samar.

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Republic Act 9208 (Anti- Trafficking in Person Act of 2003) at Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ang tatlo ay dinakma ng mga tauhan ng Aparri Police at PNP-Maritime Group 2 sa Bgy. Macanaya, Aparri, sa bisa ng search warrant.

Sa salaysay ng mga complainant, hinihingan umano sila ng P12,000 ng mga suspek kapalit ng kalayaan ng kanilang pamangkin at tatlong iba pa, na ni-recruit ng mga suspek bilang waitress sa isang kainan.

Gayunman, pinilit umanong ipasok sa videoke bar na pinangangasiwaan ng mga suspek ang mga biktima.

Nagkaabutan ng marked money at boodle money ang mga suspek at biktima at dito na inaresto ni PO2 Roselyn Arimatea ang tatlo.

Sa paghahalughog ng mga pulis sa loob ng bar ay nasamsam din umano ang nasabing mga ilegal na droga.