Ni Genalyn D. Kabiling

Nagbanta kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte na ipaaaresto niya ang sinumang kinatawan ng International Criminal Court (ICC) na pupunta sa Pilipinas upang mag-imbestiga sa kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga.

Ikinatwiran ni Duterte na ilegal ang pagsasagawa ng nasabing imbestigasyon dahil hindi kinikilala ng bansa bilang batas ang tratado ng ICC.

“There has to be a publication. If there is no publication, it is as if there is no law at all. Kaya ikaw, Ms. Fatou, ‘wag kang pumunta dito because I will bar you not because I am afraid of you, I said, because you will never have jurisdiction over my person, not in a million years,” paglilinaw ng Pangulo sa harap ng mga mamamahayag sa press conference sa Davao City kahapon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Partikular na tinukoy ng Pangulo si ICC Prosecutor Fatou Bensouda na nauna nang nagpahayag na magsasagawa ng paunang pagsisiyasat sa umano’y mga krimen sa bansa na resulta ng drug war.

“But what is your authority now? If we are not members of the treaty, why are you f****** in this country? You cannot exercise any proceedings here without basis. That is illegal and I will arrest you,” ani Duterte.

Matatandaang binawi ni Duterte ang pagiging kasapi ng Pilipinas sa ICC dahil sa paglabag umano ng huli sa due process sa pag-iimbestiga sa implementasyon ng kampanya ng gobyerno laban sa droga.

Kaugnay nito, nanindigan naman ang ICC na itutuloy nito ang imbestigasyon laban sa drug war.