Ni Marivic Awitan

MASUSUBOK ang husay at galing ng mga tinatawag na frontcourt players sa kanilang pagsabak sa Obstacle Challenge na isa sa mga highlights ng 2018 PBA All-Star Spectacle na gaganapin sa Mayo 23-27 sa Davao del Sur, Batangas City at Iloilo.

asi-taulava-Campos-62315 copy

Pangungunahan ni dating league MVP Asi Taulava ang mga big men na magpapakita ng kanilang skills sa dribbling, passing at shooting sa isa sa mga tampok na individual events sa All- Stars extravaganza na itinataguyod ng Phoenix Fuels at Phoenix Pulse Technology bilang major sponsor.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Kasama rin sa listahan ng Obstacle Challenge participants sina Alaska Milk’ Sonny Thoss, Raymond Aguilar ng Ginebra, JP Erram ng Blackwater, Kelly Nabong ng Globalport, Columbian Dyip big man ng Russell Escoto, Ken Bono ng Meralco, Phoenix Fuel big man Doug Kramer,, Aldrech Ramos ng Magnolia, Rain or Shine big man Beau Belga, San Miguel big man Yancy de Ocampo at Yousef Taha ng TNT Katropa.

Samantala ipagtatanggol ng titleholder na si Allein Maliksi ang kanyang titulo kontra sa mga challengers na pangungunahan ng mga dating champion na sina Terrence Romeo at James Yap sa Three-Point Shootout.

Ang All-Star Skills Competitions ay gaganapin sa Batangas City Coliseum sa Mayo 25, bago ang All-Star Game sa pagitan ng PBA Luzon Stars at Gilas Pilipinas.