Ni Mina Navarro

Suportado ng Bureau of Immigration (BI) ang rationalization plan ng pamahalaan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang mapabuti ang air traffic at mabawasan ang pagsisiksikan sa pangunahing paliparan ng bansa.

'Hardest part of motherhood so far!' Kris Bernal ibinahagi 'breastfeeding' journey niya

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang panukalang rationalization scheme ng Manila International Airport Authority (MIAA) ay makatutulong upang mapabuti ang serbisyo ng bureau sa mga biyahero.

Sa ilalim ng plano, ang NAIA Terminals 1 at 3 ay ilalaan sa international flights, habang ang Terminals 2 at 4 ay para sa domestic flights.