VATICAN CITY (AP) – Nananawagan si Pope Francis sa mga Katoliko na mamuhay nang banal sa anumang kanilang ginagawa, idiniin na mas kinalulugdan ng Diyos ang “saints next door” kaysa religious elites na iginigiit ang perpektong pagsunod sa mga patakaan at doktrina.

Sa bagong dokumento na inilabas nitong Lunes, sinabi ni Pope Francis na ang pagtatanggol sa maralita at migrante ay “equally sacred” tulad ng pagdepensa sa mga sanggol sa sinapupunan.

Ang dokumento, “Rejoice and Be Glad,” ay ang ikatlong apostolic exhortation ng papacy ni Francis, kasunod ng unang dalawang ikinagalit ng conservatives dahil sa pagkondena sa capitalism at pagsusuhestiyon na ang divorced at civilly remarried Catholics ay maaaring tumanggap ng Communion. Nilagdaan ito ni Francis nitong Marso 19, ang fifth anniversary ng kanyang pontificate.

Sa teksto, sinabi ni Francis na wala siyang balak na i-define ang pagiging banal o maglatag ng iba’t ibang paraan para maging santo. Sa halip, nais niyang muling ipanukala ang pandaigdigang panawagan ng simbahan sa kabanalan na matatagpuan sa ating paligid, “the middle class of holiness” ng isang mister na minamahal ang kanyang misis, ng isang ina na matiyagang tinuturuan ang kanyang anak, at ng isang empleyado na nagtatrabaho nang may dignidad.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'