CAST NG KARIBAL KO ANG AKING INA copy

Ni Nora Calderon

KUNG tuluyan nang lumipat sa ABS-CBN kahapon ang dating Ultimate Survivor ng Starstruck 2 at Kapuso actress na si Ryza Cenon, balik-Kapuso naman sina Sunshine Cruz at Bing Loyzaga.

Dumalo na sina Sunshine at Bing sa story conference ng GMA-7 para sa bago nilang teleseryeng Karibal Ko Ang Aking Ina.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nang isama sa omnibus plug ng GMA ang nasabing serye, marami ang nagtanong kung sino sa Kapuso stars ang gaganap na mag-ina.

Nag-post ang GMA ng kuha sa story conference ng bagong serye kaya nasagot na ang tanong. Magiging bida sina Sunshine Cruz, Bea Binene, Benjamin Alves, Bing Loyzaga, Zoren Legaspi, at David Licauco.

Wala pang kumpletong detalye kung sino ang magdidirek at kung iyon na ang buong cast o may idadagdag pa. Hindi rin malinaw kung remake ito ng pelikula of the same title noong 1982 na ginampanan nina Gloria Diaz, Mark Gil at Luisa Muñoz or kung original concept ng GMA.

Huling napanood sa Siyete si Sunshine noong 2006 sa GMA Telesine at nag-guest sa Dear Uge bago lumipat ng ABS-CBN at katatapos lang ng huling teleserye niya roon na Wildflower.

Nine years namang nawala sa GMA si Bing since 2009. Paano Ba ang Mangarap ang kanyang huling ginawa rito.

Si Zoren ay pumirma ng exclusive contract sa GMA the other week, pero mainstay siya sa Sirkus na magtatapos na sa Sunday. First project niya ang Karibal Ko Ang Aking Ina sa ilalim ng bago niyang contract sa GMA.

Matagal-tagal na rin namang walang soap sina Bea at Benjamin sa GMA-7.

Hindi pa in-announce kung sa afternoon prime o sa primetime block mapapanood ang Karibal Ko Ang Aking Ina.