Ni Jun Fabon

Nakakasa na ang mga paghahanda ng National Capital Region (NCR) sa seguridad ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Mayo 14 ngayong taon.

Nabatid kahapon kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, Chairman ng Regional Peace and Order Council sa National Capital Region (NCR), na inatasan ang QCPD sa puspusang paghahanda para sa halalan.

Pelikula

Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!

Ayon kay Bautista, pangungunahan ng Quezon City bilang host ng Regional Joint Security Coordinating Council na kinabilangan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Commission on Elections (Comelec), para matiyak ang kaayusan at mapayapang halalan sa Mayo.

Dumalo sa council meeting sina incoming Philippine National Police chief Oscar Albayalde, Comelec regional elections director Atty. Juvil Surmeida, QC Police District chief Guillermo Eleazar at kinatawan ng Department of Interior and Local Government (DILG).