Ni Beth Camia

Isinailalim kahapon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa yellow alert ang Luzon grid, dahil sa manipis na reserba ng kuryente.

Sa abiso ng NGCP, ang yellow alert ay umiral simula 1:00-3:00 ng hapon kahapon.

Sinabi ng NGCP na 10,740 megawatts lang ang available capacity, habang aabot sa 9,654 megawatts ang peak demand.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Lumiit ang reserba ng kuryente sa Luzon dahil sa hindi inaasahang pag-shutdown ng ilang planta ng kuryente at dahil sa limitadong generation mula sa iba pang power plants.