NASUNGKIT ng three-peat seeking La Salle ang twice-to-beat advantage sa semifinals ng UAAP Season 80 women’s volleyball tournament matapos sibakin ang Adamson, 25-21, 25-15, 22-25, 25-18, nitong Miyerkules sa The Arena sa San Juan.

Kumana si spiker Kim Dy ng 17 puntos at 10 digs para sa Lady Spikers, na umabante sa 11-2.

“Ang goal namin ay one game at a time, so kung ano ‘yung dumating na game sa amin, so paghandaan at saka, siyempre goal namin manalo,” pahayag ni La Salle coach Ramil de Jesus.

Sibak na ang Lady Falcons sa 8-7.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Posibleng makuha na ng National University (7-6) ang No.4 spot.

Makakaharap ng La Salle ang Ateneo sa Linggo kung saan target din ng Lay Eagles na makuha ang No.2 spot.

Nag-ambag si Des Cheng ng 13 puntos sa La Salle.