NORRISTOWN, Pa . (Reuters) – Tumestigo ang dating supermodel na si Janice Dickinson nitong Huwebes na pinainom siya ng droga at ginahasa ni Bill Cosby sa isang bahay sa Lake Tahoe noong 1982, katulad ng kuwento ng iba pang umano’y mga biktima na ipinatawag bilang saksi sa sexual assault retrial ng komedyante.

Untitled-1 copy

“I wanted to hit him, wanted to punch him in the face,” ani Dickinson, sikat na modelo noong 1970s at 1980s. “I felt anger, was humiliated, disgusted, ashamed.”

Si Cosby, gumanap bilang loveable patriarch sa ‘America’s Dad’ sa The Cosby Show, ay nililitis sa Pennsylvania sa ikalawang pagkakataon dahil sa mga akusasyon ng pagdroga at sexual assault sa dating kaibigan at kasamahan nitong si Andrea Constand, 45, noong 2004.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Umaabot sa 50 kababaihan ang nag-akusa kay Cosby ng molestation nitong mga nakaraang dekada. Ngunit napakatagal na ng kaso ni Constand para sa prosekusyon, at ang unang paglilitis ay nagtapos sa mistrial noong Hunyo dahil hindi makapagdesisyon ang jury.

Inakusahan si Cosby ng pagbibigay ng pills sa college administrator na si Constand at paggahasa dito sa kanyang bahay malapit sa Philadelphia.

Itinanggi ni Cosby ang kasong aggravated indecent assault ni Constand, iginiit na ang anumang sexual contact ay consensual. Pinalalabas ng kanyang mga abogado na si Constand ay gold-digging con artist.

Si Dickinson ang pang-apat sa limang accusers na pinayagan ng Montgomery County Judge Steven O’Neill na isalaysay ang kanyang kuwento sa jury sa Philadelphia courtroom.

Inilarawan ang scenario na katulad ng naunang tatlong accusers, sinabi ni Dickinson na tinawagan siya ni Cosby at nag-alok ng tulong sa kanyang karera.

Inilipad siya nito sa Lake Tahoe, Nevada, nakapulong doon si Cosby at ang musical director nito habang naghahapunan at nagreklamo ng menstrual cramps. “I have something for that,” sinabi ni Cosby, ayon sa kanyang testimonya.

Tumestigo siya na binigyan siya ni Cosby ng isang maliit na blue pill, na kanyang nilunok. Kasunod nito ay dinala siya ni Cosby sa silid nito, kinunan ng ilang larawan si Dickinson, 27 anyos nang mga panahong iyon, gamit ang kanyang Polaroid camera na ipinakita sa korte.

“I was really light-headed,” aniya. “When I spoke, it didn’t sound like words were coming out. We weren’t discussing my career. He was on the phone.”

Nagsalaysay siya na pagkatapos ng pakikipag-usap ni Cosby sa telepono, pumaibabaw ito sa kanya.

“I remember his breath, the taste of his kiss, cigars and espresso. Here was ‘America’s Dad’ on top of me, a happily married man with five kids, and how very, very wrong it was,” ani Dickinson.

Sinabi niya sa jury na nawalan siya nang malay habang siya ay ginagahasa.

Nang magising siya ay saka niya napagtanto ang ginawa sa kanya ni Cosby. Kinompronta niya ito na sinagot lamang nito ng katahimikan at facial expression na tila nagsasabing, “You’re crazy,” testigo ni Dickinson.

Sinabi ni Dickinson na hindi niya isinumbong sa pulisya ang panggagahasa sa takot na masira ang kanyang karera.

Sinabi niya na matagal siyang nagsumikap para maging modelo at sa wakas ay nagkaroon ng premiere clients gaya ng cosmetics titan na Revlon Inc. “who would not have appreciated it if I had been raped and gone to the police.”

Sinimulan ng defense lawyer na si Thomas Mesereau ang kanyang cross-examination sa pagtutuon sa libro na ipinalabas na inakda ni Dickinson ngunit sa katunayan ay ghost-written ni Pablo Fenjves, na nagsulat din ng libro ni O.J. Simpson na If I Did It.

Sinabi ni Dickinson na nais niyang magkaroon ng isang bahagi sa libro na nagsasalaysay sa rape para maging kumpleto at tapat at ibinigay ang impormasyong ito kay Fenjves, ngunit ibinasura ito ng publisher na si Judith Regan.