PAGKAKAISA sa pagtakbo para sa kalikasan ang muling ipahahayag ng tinaguriang ‘Eco Warriors’ sa paglarga ng Nat Geo Earth Day Run sa Abril 22 sa MOA grounds sa Pasay City.

IBINIDA ng organizers ng Nat Geo Earth Day Run ang pakikipagtambalan ng Pay Maya para sa ikaanim na season ng pamosong takbo sa pagkakaisa para sa kalikasan.

IBINIDA ng organizers ng Nat Geo Earth Day Run ang pakikipagtambalan ng Pay Maya para sa ikaanim na season ng pamosong takbo sa pagkakaisa para sa kalikasan.

Isinasagawa kasabay nang pagdiriwang sa International Earth Day, target ng organizers na makaimbita ng 15,000 runners para sumabak sa apat na kategoryang paglalabanan – 3K, 5K, 10K at 21K.

Muling nagkakaisa – sa nakalipas na anim na taon – ang Earth Day Run sa World Wide Fund of Nature (WWF) para sa kampanyang #NotPlastic – ang suliraning nagiging dahilan sa mabilis na pagkasira ng yamang dagat.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

‘The Philippines has been identified as the third highest plastic polluter in the world. In response to this, the two organizations aim to increase awareness on plastic waste and push programs that focus on plastic waste management by utilizing the proceeds of the highly-anticipated annual run for the environment,” pahayag ni Jose Angelito Palma, WWW President and CEO.

Hinikayat ni Palma ang kabataan at sports enthusiast na lumahok at makiisa sa pagdiriwang para labanan ang patuloy na lumalalang suliranin sa droga at iba pang vices.

Sa ginanap na media launching kahapon sa Resorts World Manila, ipinahayag din ng organizers ang pakikipagtambalan ng Pay Maya para sa karera ngayong taon.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.natgeoearthdaytun.com

Maykalakip na entry fee ang mga sumusunod na category, P750.000 sa 3K, classs, P850 sa 5K, P850.00 sa 10 K P950 at P1,400para sa 21K.